in

Lexi Gonzales, enjoy sa taping ng ‘My Fantastic Pag-ibig’

Malapit nang mapanuod ang bagong kakikiligang fantasy rom-com series sa GMA News TV na “My Fantastic Pag-ibig.” Tampok dito ang iba’t ibang kuwento ng pag-ibig na may element ng fantasy.

Sa pilot story ng My Fantastic Pag-ibig, bibida ang tambalan ng Starstruck alumni na sina Kim de Leon at Lexi Gonzales.

Kuwento ni Lexi ay super enjoy siya sa kanilang taping. Marami raw siyang preparations na ginawa para sa proyektong ito.

“I made sure that I had rest and a lot of water. I made sure na inaral ko nang mabuti ang character, ‘yung role na gagampanan ko. And dahil lock-in taping, I brought a lot of stuff na kailangan ko talaga like blankets, towels, soap—lahat talaga dinala ko na! It was super fun and dahil nga I went through all these preparations, easier noong nandun na ako sa set,” sabi ni Lexi.

Samantala, ibinahagi din ni Lexi sa #KPRGAsks ni Kapuso PR Girl na patuloy raw ang communication niya sa fans niya online. Gayunpaman, aminado siyang miss na niya ang kanyang supporters kaya sana nga raw ay magkita-kita na sila ulit soon.

“Puro kami Zoom parties and Google Meet parties. Meron kaming GC wherein doon kami nagcha-chat at nagpo-post ng updates. But I really hope na maging okay na lahat soon para makagawa na kami ng actual get-togethers para makapagkita-kita na kami.”

Abangan ang tambalang KimLex sa My Fantastic Pag-ibig, ngayong January 30 na, sa GMA News TV.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Pilot episode ng ‘The Lost Recipe,’ trending!

‘Magkaagaw’ stars, proud sa mga inihandang pasabog ng serye