in

Dina Bonnevie, may nadiskubre kay Jay Manalo

Matapos ang kanilang lock-in taping para sa ‘Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday,’ may nadiskubre raw ang isa sa lead stars ng show na si Dina Bonnevie sa kanyang co-star na si Jay Manalo.

Taliwas sa kanyang madalas na gampanang roles, pinuri ni Dina si Jay sa pagiging butihin at mapagmahal na ama ng aktor. Kahit daw kasi malayo sa pamilya noong lock-in taping, hindi nakakalimutan ni Jay na kumustahin ang kanyang mga anak.

Aniya, “I thought he was exactly like the roles he plays, ‘yung babaero, happy-go-lucky but I was surprised that he’s such a cool father pala, he’s such a good dad.”

Pagkukuwento pa ng aktres, “Every morning, habang nag-mi-makeup ako nandiyan si Jay sa right side kumakain siya ng breakfast kasi magkasunod ‘yung makeup schedule namin. Tapos doon nakikita ko nag-vi-video siya with his son and daughter. Kinakausap niya, nag-vi-video call sila tuwing umaga then he dances while he’s talking to them. Nakakatuwa na may ganitong side pala si Jay.”

Samantala, kasalukuyang napapanood ang recap ng ‘Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday’, 8PM, sa GMA Telebabad at magsisimula ang fresh episodes nito sa February 8. 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Manolo Pedrosa, thankful sa bumubuo ng ‘Babawiin Ko Ang Lahat’

Jeepney TV, mapapanood na sa Cignal