in

Kundisyon na! Shaira Diaz, ready na sa fight scenes niya sa ‘Lolong!’

Handang-handa na raw si Shaira Diaz sa kanyang challenging role sa upcoming GMA Telebabad series na Lolong.

Kamakailan lang ay ipinasilip ng Kapuso actress ang ilan sa paghahanda niya para sa kanyang fight scenes sa kanyang vlog. Ibang klaseng face-to-face combat training ang kanyang pinagdaanan kasama ang kanyang co-star na si Ruru madrid.

“By the way, before kami magkaroon ng ganito, nagpa-swab din kami para sigurado na safe ang bawat isa sa amin, para walang virus kaya okay naman. Safe naman basta siyempre ‘wag pa rin tayo magiging kampante sa paligid,” pahayag ni Shaira.

Ipinamalas naman ni Shaira ang kanyang mga natutunan sa rehearsal ng isang fight scene kung saan akmang sinugod siya ng tatlong armadong lalaki.

Abangan ang kaabang-abang na action-adventure series ng GMA Public Affairs na Lolong, soon on GMA Network!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

ABS-CBN, nakamit ang pinakamataas na parangal para sa TV sa 5th Gems Awards

‘Happy Hour Favorites’ line-up ng GMA News TV simula Lunes na!