in

Mapangahas na pelikula ng Viva Films at VinCentiments sa ‘Paglaki Ko, Gusto Kong Maging Pornstar’

Umpisa pa lamang ng taon ay mapangahas na agad ang pelikulang handog ng Viva Films at VinCentiments. Sa “Paglaki Ko, Gusto Kong Maging Pornstar”. Ito rin ang unang unang handog ng Vivamax Originals sa pinakabagong steaming app na Vivamax.

Magsasama-sama sina Alma Moreno, Ara Mina, Maui Taylor, at Rosanna Roces, kapwa mga haligi ng “bomba films” ng kani-kanilang henerasyon dito sa nakakatuwa at napakasexy na pelikula. Ipinakikilala rin ang mga sexy at naggagandahang dalaga na sina AJ Raval, Rose Van Ginkel at Ana Jalandoni.

“Paglaki Ko, Gusto Kong Maging Pornstar” ay iikot sa hiling ng tinaguriang Ama ng Philippine Sex Cinema na muling buhayin ang larangang ito. Ang kanyang paboritong anak-anakan na si Ara Mina ay nangako na tuparin ang hiling na ito kaya naman tatawagin niya sina Alma, Osang, at Maui.

Bilang mga “Relevant Women of Philippine Sex Cinema”, magtutulungan ang apat para turuan sina Sofia (Rose Van Ginkel), Agatha (Ana Jalandoni), at Twinkle (AJ Raval) kung paano maging kaakit-akit at pagnasahan ng mga manonood.

Ang pelikulang ito ay mula sa panulat at direksyon ni Darryl Yap (Jowable, Sakristan).
Ang “Paglaki Ko, Gusto Kong Maging Pornstar” ay hindi lamang nagpapakita ng katawan kundi naglalantad rin ng hubad na katotohanan kung bakit tinatangkilik ang pornograpiya at kung sinu-sino ba ang nahihilig dito.

Makalipas ang 48 oras na maipalabas ang official trailer, umabot agad sa anim na milyon ang views nito sa lahat ng social media platforms. Ang sumusunod ay ilan lamang sa mga komento na makikita sa YouTube ng Viva Films: *“Kahit medyo sensitive ang tema,napakagaling pa rin ng 4 na ‘to. Walang kupas ang ganda nila,” (Alma, Osang, Ara at Maui). Suportado rin si direk Darryl Yap. “With this dying film film industry it takes guts to make a movie this liberated and open minded. We need more of this metafilms or a satire about the Filipino film industry.” “Kudos Direk Darryl Yap. best of best ‘yan sa mga dati mong mga project, sana mag tuloy-tuloy ‘yan…”

Ang pelikulang ito ay pangalawang pagsasama nina Ara Mina at Maui Taylor matapos ang 17 taon. Una silang nagkasama sa “Ang Huling Birhen sa Lupa” noong 2003. Samantala, nakasama na rin ni Ara si Rosanna Roces noong 1998 sa pelikulang “Curacha Ang Babaeng Walang Pahinga”. Ito naman ang unang pagkakataon na makasama niya si Alma Moreno, na kilala rin bilang Loveliness at Tangga Queen.

Si AJ Raval, anak ng ‘90s action star na si Jeric Raval, ay handa nang makilala bilang sexy actress, gayundin sina Rose Van Ginkel (Talk Back and You’re Dead), na isa ring recording artist ng Viva Records, at Ana Jalandoni, na kilala bilang isa sa mga Sexy Angels sa “Ang Probinsyano” at isa ring content creator sa Oomph TV.

“Paglaki Ko, Gusto Kong Maging Pornstar” ay palabas na simula January 29, 2021. Sa halagang P149, mapapanood na ito, mag-subscribe lang sa VivaMax, ang pinakamalaking library ng mga pelikulang Pinoy, teleserye, concerts at mga orihinal na produksyon. Bumisita sa www.vivamax.net at sumali na! Atin’to!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

John Estrada, hanga sa acting ni Pauline Mendoza sa ‘Babawiin Ko Ang Lahat’

YouLOL, may 300K subscribers na!