in

Glaiza De Castro at Rayver Cruz, dapat abangan sa ‘Nagbabagang Luha’

Sa kauna-unahang pagkakataon ay magtatambal ang Kapuso stars na sina Glaiza De Castro at Rayver Cruz sa upcoming drama series na ‘Nagbabagang Luha’ sa GMA Network. 

Ang serye ay adaptation ng classic ’80s movie na pinagbidahan nina Lorna Tolentino, Gabby Concepcion, Alice Dixson, at Richard Gomez.

Kahit nasa Ireland pa ay pinaghahandaan na ni Glaiza ang serye kung saan gagampanan niya ang role ni Lorna na si Maita. 

“Siyempre nando’n ‘yung feeling na malaking responsibilidad kasi kahit papaano na-familiarize na kami do’n sa pelikula at nakita naming ‘yung performances nina Ms. Lorna. So, parang kailangan talagang todohin,” kuwento ng aktres sa panayam ng 24 Oras.

Ayon naman kay Rayver, na gaganap sa dating role ni Gabby na si Alex, looking forward na siyang makatrabaho si Glaiza sa serye.

“Si Glaiza lagi ko ‘yan kasama sa ‘AOS’ (All-Out Sundays) pero iba kasi ngayon pa lang kami magwo-work sa isang show, so excited ako,” aniya.

Makakasama rin ng dalawa sa Nagbabagang Luha sina Claire Castro, Mike Tan, at Myrtle Sarrosa. 

Abangan ang ‘Nagbabagang Luha’ soon sa GMA.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Tambalang Eugene Domingo at Richard Yap, unang episode ng ‘Dear Uge’ ngayong 2021!

Kim Rodriguez, may special role sa The Lost Recipe