Maraming K-Drama fans ang natutuwa dahil napapanood na tuwing umaga ang hit South Korean romance drama na Fates and Furies sa GMA Network.
![](https://phentertainment.net/wp-content/uploads/2021/01/GMA-Heart-of-Asia-may-bagong-handog-ngayong-2021.jpg)
Tampok sa istorya ang apat na taong pinagbuhol-buhol ng tadhana. Kokontratahin ni Theo (Lee Ki-woo) si Hera (Lee Min-Jung) na nakawin ang puso ni Gino (Joo Sang-Wook) mula kay Suzy (So E-Hyun). Ano ang kahihinatnan ng apat na taong may kani-kaniyang ambisyon at motibo ng paghihiganti?
Abangan ang nakakaintrigang na kuwento ng Fates and Furies mula Lunes hanggang Sabado bago ang Eat Bulaga sa GMA.