Pwede nang ulit-ulitin ng fans ang saya at ‘kilig’ sa tinagurian ng maraming “best” virtual fan meet ng Thai stars na sina Bright Vachirawit at Win Metawin na “BrightWin Manila Live: The Virtual Fan Meet” dahil mapapanood na ito nang buo sa iWantTFC.
Mabibili ng fans sa Pilipinas ang pay-per-view pass sa halagang P99 sa iWantTFC wesite (iwanttfc.com), at maaari na rin itong ulit-ulitin sa loob ng pitong araw pagkatapos mabili.
Espesyal para sa maraming BrightWin fans ang naturang event dahil umano sa Pinoy flavor ng show. Bukod sa performance ni Bright ng “With A Smile,” may mga parol ding dekorasyon sa stage at jeep sa opening number ng dalawang aktor.
All-out din ang Thai stars sa performances nila at game na game sa pagsagot ng mga tanong mula sa fans mapa-personal man o tungkol sa kanilang karera. Dahil sa mga sorpresa ng show, maraming fans ang nagkumentong ito nga raw ang “the best” na fan meet ng dalawa.
Sabi ng Twitter user na si @hahappiest, “You know what’s best about this fanmeeting? it’s because we were able to know the real BrightWin. It feels like it’s not a fanmeeting, it’s like an open forum. They answered a lot a questions whole-heartedly without any hesitations. BRIGHTWIN IS REAL.”
“I will rewatch it 10000000000 times! I still can’t process this! I will never! This is sooo unexpected everything about this fanmeet is AMAZING!” sabi naman ni @brightwinvid.
“Sa totoo lang yung #BrightWinManilaLIVE yun pinaka the best sa lahat ng fan meet na BrightWin na napanuod ko. Ang happy nya lang tas walang filter! Ang daming ganap na di mo expected… Pasabog ganon!” post ni @edgeshopmanila.
Balik-balikan ang kilig at saya na dala ng BrightWin sa “BrightWin Manila Live: The Virtual Fan Meet” sa pamamagitan ng pay-per-view sa halagang P99 sa iWantTFC website (iwanttfc.com). Ito ay ekslusibo para sa iWantTFC users sa Pilipinas.
I-download ang iWant TFC app (iOs at Android) o panoorin ito sa mas malaking screen sa mga piling smart TV brands, ROKU streaming devices, at Telstra TV para sa users na nasa labas ng Pilipinas. Para sa kumpletong listahan ng compatible devices, sign in instructions, at account activation, bisitahin ang https://iwanttfc.com/help#tfc-on-smart-tv.
Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/iWantTFC o sundan ang @iwanttfc sa Twitter at Instagram, at mag-subscribe sa www.youtube.com/iWantTFC. Kung may mga katanungan naman, ipadala ang mga ito sa Facebook page ng iWant TFC o mag-e-mail sa [email protected].