in

ABS-CBN, tuloy ang pangunguna sa YouTube sa bagong Diamond Creator Award

Lalo pang ipinagtibay ng ABS-CBN ang pangunguna nito sa paggawa ng mga palabas sa digital matapos tanggapin ang ikalawang Diamond Creator Award mula sa YouTube.

Dumating ang diamond play button ng ABS-CBN News noong Nobyembre, tatlong buwan matapos sumampa sa 10 milyon ang mga subscriber nito. Sa kasalukuyan, mayroon nang 11 milyong subscriber ang ABS-CBN News channel sa YouTube at higit sa 6.7 bilyong lifetime views.

Unang tumanggap ng Diamond Creator Award ang ABS-CBN noong 2018 para sa ABS-CBN Entertainment channel na mayroon nang 31.6 milyong subscribers at mahigit 38.8 bilyong lifetime views. Ito ang unang YouTube channel sa bansa na nakakuha ng 30 milyong subscribers, at ikalawang pinakamaraming subscribers sa Asya. Pagdating sa dami ng views, ika-sampu naman ito sa buong mundo, base sa datos noong Oktubre.

Ipinakita ng mga opisyal ng ABS-CBN na sina chairman Mark Lopez, chief executive officer at president Carlo Katigbak, chief operating officer ng broadcast Cory Vidanes, Integrated News head Ging Reyes, at Digital head Jamie Lopez kamakailan lang ang dalawang parangal mula sa YouTube.

Mapapanood sa YouTube channel ng ABS-CBN News ang iba-ibang ulat, dokumentaryo, at livestreaming ng mga programa at plataporma ng ABS-CBN News tulad ng “TV Patrol” at mga palabas sa TeleRadyo at ABS-CBN News Channel (ANC). Mas malawak na ang naabot nito ngayon matapos buksan sa buong mundo ang panonood ng content sa channel.

Tulad ng ABS-CBN News, hangarin rin ng ABS-CBN Entertainment na maabot at mapaglingkuran ang mga Pilipino sa ibayong dagat sa pamamagitan ng mga bagong episode ng ABS-CBN shows, eksklusibong panayam, at orihinal na digital shows na mapapanood sa channel.

Matapos ipatigil ang broadcast operations ng ABS-CBN dahil sa kawalan ng bagong prangkisa, mas pinaigting pa ng ABS-CBN ang paghahatid ng mga palabas nito online sa pamamagitan ng Facebook, YouTube, iWantTFC, at mga katuwang nitong digital company.

Subalit matagal nang nagsimula ang pagpapalakas nito sa digital kung kayat mayroon na itong pinakamalawak na presensya online sa mga Pilipinong media company at dumaraming digital properties.

Namamayagpag rin sa YouTube ang iba pang ABS-CBN channels tulad ng Star Music, “Pinoy Big Brother,” Star Cinema, “The Voice Kids Philippines,” at The Gold Squad na lahat ay may milyon-milyong subscribers at bilyon-bilyong views maliban sa The Gold Squad na mayroon na ring mahigit 200 milyong views.

Para sa updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, at Instagram o bumisita sa www.abs-cbn.com/newsroom.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Humanda na! Bagong taon, bagong shows mula sa GMA Network!

Virtual Fan Meet ng BrightWin sa mga Pinoy, mababalik-balikan na sa iWantTFC