in

‘The Clash Season 3’ grand champion, kilalanin ngayong Linggo!

Excited na ang lahat na makilala ang tatanghaling ‘The Clash’ Season 3 grand champion ngayong Linggo, December 20.

Matapos ang tatlong buwang matitinding tunggalian at biritan, maglalaban-laban na para sa titulo ng Grand Champion ang natitirang anim na contestants na sina Renz Robosa, Jennie Gabriel, Jessica Villarubin, Sheemee Buenaobra, Larnie Cayabyab, at Fritzie Magpoc.

Hanga naman ang Clash Master na si Julie Anne San Jose sa mga contestant this season dahil sa pagiging pursigido at palaban ng mga ito. Malaki rin daw ang naging improvements nila.

Aniya, “Every week, pagaling sila nang pagaling. Sobrang nahihirapan kami, hindi lang ‘yung judges, pero pati kami as Clash Masters. Hindi namin alam kung sinong mananalo sa kanila kasi iba-iba sila ng galing.”

Ayon naman sa kapwa Clash Master ni Julie Anne na si Rayver Cruz, asahan daw ang mga “malupitang twist” sa finale ng The Clash dahil dito kilala ang programa.

Mapapanood ang finale weekend ng third season ng The Clash ngayong Sabado, December 19, 7:15 P.M., at Linggo, December 20, 7:45 P.M., sa GMA-7.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

It’s Christmas time on AHA!, this Sunday!

Mga pinakamalaking isyu at pangyayari, babalikan sa ‘Sa Likod Ng Balita 2020’ Yearender ng ABS-CBN