Gagawin ng isang fan girl ang lahat para magkatuluyan ang dalawang lalaking kinababaliwan niya sa 2020 Thai series na “The Shipper,” na libreng mapapanood ng Pinoy fans sa iWantTFC ngayong Disyembre 28.
Magsisimula ang kwento kay Pan (Prigkhing Sureeyaret), isang die-hard boys’ love fan na ang tanging gusto ay ang magkaibigan ang matalik na magkaibigan na sina Way (Fluke Pusit) at Kim (First Kanaphan).
Si Way ay isang astig na atleta na may nobya, habang si Kim naman ay isang masipag at matalinong estudyante. Ibang kahulugan ang ibinibigay ni Pan sa pagsasamahan nina Way at Kim at susubukan niyang gawin ang lahat upang magmahalan ang dalawa.
Ngunit, bigla na lang magbabago ang lahat nang maaksidente sina Kim at Pan. Pagkatapos nito, magkakapalit sila ng katawan dahil sa pagkakamali ng dyosa ng kamatayan habang ibinabalik ang kanilang mga kaluluwa.
Habang wala pang malay si Kim, papakiusapan si Pan ng dyosa ng kamatayan na huwag munang ibahagi ang sikretong ito at magkunwari muna siya bilang si Kim hangga’t hindi pa naaayos ang sitwasyon.
Pabor naman si Pan sa mga pangyayari dahil sa wakas, pagkakataon na niyang matupad ang pantasya niyang magmahalan sina Way at Kim.
Hanggang saan ang kayang gawin ni Pan para maging totoo ang kanyang nais na pagmamahalan nina Way at Kim? Paano maapektuhan ng misteryosong sitwasyong it ang relasyon ng dalawang lalaki?
Pinuri ng mga manonood ang “The Shipper” dahil sa nakakakilig at emosyonal nitong kwento noong ipinalabas ito sa Thailand nitong taon ng Thai content company na GMMTV.
Libreng mapapanood ng subscribers sa Pilipinas ang Tagalized episodes ng “The Shipper” sa iWant TFC app (iOs at Android) o sa iwanttfc.com simula Disyembre 28. Mapapanood din ang mga ito sa mas malaking screen dahil available na rin ang iWantTFC sa mga piling smart TV brands, ROKU streaming devices at Telstra TV para sa users na nasa labas ng Pilipinas. Para sa kumpletong listahan ng compatible devices, sign in instructions, at account activation, bisitahin ang https://iwanttfc.com/help#tfc-on-smart-tv.
Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/iWantTFC o sundan ang @iwanttfc sa Twitter at Instagram, at mag-subscribe sa www.youtube.com/iWantTFC. Kung may mga katanungan naman, ipadala ang mga ito sa Facebook page ng iWant TFC o mag-e-mail sa [email protected].