Bago tuluyang mamaalam sa taong 2020, mag-baliktanaw muna sa pinakamalaking mga isyu at pangyayari na pumukaw sa atensyon at nagbago sa buhay ng mga Pilipino ngayong taon.
Panoorin ang “Sa Likod ng Balita 2020: The ABS-CBN Year-End Special” sa Disyembre 27, 9 pm sa ABS-CBN News website at Facebook at 10 pm sa Kapamilya Channel at Kapamilya Online Live. Tampok dito ang mga kwento mula mismo sa mga mamamahayag na nag-ulat tungkol sa pandemya, ang pagsabog ng Taal at mga mapinsalang bagyong dumaan, pati na rin ang pagpapatigil sa pagsasahimpapawid ng ABS-CBN.
Ilalahad ng mga reporter ng ABS-CBN News kung paano nagsimulang kumalat ang COVID-19 sa bansa at ang naging epekto nito sa buhay ng mga Pilipino. Iku-kwento rin nila ang mga naging hakbang para sugpuin ito at mga hinarap na pagsubok sa pagsasagawa nito.
Tatalakayin din ng “Sa Likod ng Balita 2020” ang mga kalamidad na nagdulot ng matinding pinsala sa iba-ibang bahagi ng Pilipinas tulad ng pagputok ng Taal volcano, lindol sa Masbate, at ang magkakasunod na bagyong nagpalubog sa ilang mga probinsya at lungsod sa bansa. Bukod sa kanilang karanasan sa pagbabalita sa masamang panahon, ibabahagi rin ang mga ginawa para makatulong sa mga naapektuhan ng bagyo.
Alamin din ang kwento sa likod ng mga isyu kaugnay sa pulitika at hustisya na yumanig sa sambayanan kabilang ang anti-terror bill, mga pagsabog sa Jolo, at ang pagpapalaya kay U.S. Marine Joseph Scott Pemberton na nakulong dahil sa pagpatay sa isang Pilipino.
Hindi rin palalampasin ang isyu sa pagpapasara ng ABS-CBN na lubos na nakaapekto sa mismong mga tagapagbalita mula sa ABS-CBN News. Babalikan ng dokyu ang mga pangyayari mula paghain ng quo warranto case laban sa network, ang mga hearing sa Senado at Kongreso, at mga ginanap na rally bilang suporta sa ABS-CBN.
Panoorin kung bakit sa kabila ng mga mahirap na pinagdaanan, nananatiling may pag-asa at positibong pananaw pa rin ang ABS-CBN News sa pagpasok ng 2021.
Huwag palampasin ang “Sa Likod ng Balita 2020: The ABS-CBN Year-End Special” ng ABS-CBN DocuCentral sa Disyembre 27 (Linggo), 9 pm sa news.abs-cbn.com and https://web.facebook.com/abscbnNEWS at 10 pm sa Sunday’s Best sa Kapamilya Channel at Kapamilya Online Live. Mapapanood din ito sa Disyembre 28 sa iWantTFC at TeleRadyo ng 10 pm at sa ANC, 10 pm ng Disyempre 30. Para sa updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, at Instagram, o bumisita sa www.abs-cbn.com/newsroom.