in

Boses ng Konsyumer, bibigyang pansin sa bagong programa ng DZBB

Simula ngayong Sabado, Disyembre 19, muling mabibigyang pansin ang boses ng mga konsyumer sa panibagong programa na “Konsyumer Atbp” sa Super Radyo DZBB. Magsisilbi itong consumer education radio program ng Department of Trade and Industry (DTI).

Sa pangunguna nina DZBB anchor Joel Reyes Zobel at DTI Undersecretary Ruth Castelo, tatalakayin sa programa ang iba’t ibang isyu at impormasyong kailangan ng mga konsyumer sa bansa. Kabilang dito ang kanilang mga karapatan at mga dapat malaman tungkol sa pagtaas at pagbaba ng presyo ng mga bilihin.

Sa pilot episode nito, sasamahan ng GMA News pillar na si Mike Enriquez sina Joel at Usec. Castelo. Huwag itong palalampasin ngayong Sabado, 10 hanggang 11 ng umaga sa Super Radyo DZBB 594 kHz. Mapapanood din ito sa Dobol B sa News TV at pwede ring mapakinggan online sa live audio stream sa www.gmanetwork.com/radio/streaming/dzbb. 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘Always’ nina Inigo Pascual at Moophs tampok sa ‘The 100 Best Songs of 2020’ ng Apple Music

Migo Adecer, maraming natutunan sa 5 years nya sa showbiz