in

‘Love of My Life,’ magbabalik-telebisyon na sa December 28

Hindi na maitago ng viewers ang kanilang excitement sa pagbabalik-telebisyon ng top-rating primetime series na ‘Love of My Life’ ngayong Disyembre 28 sa GMA Telebabad.

Matatandaan na nitong Nobyembre ay sumailalim sa 22-day lock-in taping ang cast na pinangungunahan nina Coney Reyes, Carla Abellana, Rhian Ramos at Mikael Daez para sa fresh episodes ng serye.

Sa Instagram ay nagbahagi rin si Carla ng behind-the-scene photo na kuha mula sa kanilang lock-in taping, “Just as I mentioned, “Love of my Life” is returning on primetime television before the year ends. Fresh episodes coming REAL SOON.”

Abangan ang kapana-panabik na pagbabalik ng ‘Love of my Life’ sa GMA Telebabad!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Huling dalawang linggo ng ‘DOTS PH,’ kaabang-abang!

Kapuso stars, wagi sa 33rd Aliw Awards!