in

Shayne Sava, kinakabahan sa mga eksena sa ‘Legal Wives’

Hindi raw maiwasan ng StarStruck Season 7 Ultimate Female Survivor na si Shayne Sava ang kabahan tuwing makaka-eksena niya ang mga iniidolong artista sa upcoming GMA series na ‘Legal Wives.’

Sasabak na si Shayne sa kauna-unahan niyang teleserye role at makakasama niya rito sina Kapuso Drama King Dennis Trillo, Alice Dixson, Andrea Torres, at Bianca Umali, at ang naging judge niya sa artista search na si Cherie Gil pati na rin ang ka-batch niyang si Abdul Raman.

Nagsimula na ng lock-in taping ang cast at ibinahagi ni Shayne na pinaghahandaan niya talaga ang magiging karakter sa istorya, “Ang dami pong veteran actors and actresses. Sina Ms. Alice, Ms. Cherie, Ms. Irma, so, nakakakaba po sa part ko pero effort lang po talaga and sipag po sa pagbabasa ng script at sa pag-aaral kung ano ‘yung dapat.”

Abangan ang ‘Legal Wives’ soon on GMA 7!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Manilyn Reynes, proud sa bagong project ni Kelvin Miranda

Dave Bornea at Manolo Pedrosa, kaabang-abang ang roles sa ‘Babawiin Ko Ang Lahat’