in

Marian Rivera, kabilang sa Forbes Asia’s Top 100 Digital Stars

Pasok sa listahan ng Top 100 Digital Stars ng Forbes Asia ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera-Dantes.

Kasama niya rito ang ilang mga international stars tulad ng BLACKPINK at BTS, at sina Rebel Wilson, Hugh Jackman, Twice, Lee Min-ho, Chris Hemsworth, at marami pang iba na nagsilbing magandang ehemplo sa social media sa gitna ng COVID-19 pandemic. 

Kasalukuyang may 23 million followers si Marian sa Facebook at 10 million naman sa Instagram. 

Samantala, marami rin ang natuwa sa panibagong business venture ng aktres sa release ng kaniyang collection ng furniture at home decor sa Flora Vida Home. Congratulations, Kapuso!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Sunod-sunod na TV at Online Specials sa Death Anniversary ng ‘Da King,’ palabas sa ABS-CBN

Manilyn Reynes, proud sa bagong project ni Kelvin Miranda