in

Manilyn Reynes, proud sa bagong project ni Kelvin Miranda

Masaya si Manilyn Reynes para kay Kelvin Miranda dahil gagampanan ng young actor ang lead role sa upcoming GMA Public Affairs fantasy-romance series na The Lost Recipe. 

Matatandaang minsan nang nagkasama ang dalawa bilang mag-ina sa GMA Drama series na Madrasta. “Nakakatuwang isipin na ang aking Barry (Kelvin) ay bida na! Nag-comment nga ako agad when Mr. Mychal (Program Manager ng series) posted about the show. Kasi, mahusay itong batang ito. Masaya nga ako, at masuwerte na ang mga nagiging anak ko sa soap ay hindi lang mahuhusay, mababait at magagalang pa. Nakakatuwang kasama, parang mga anak ko na talaga sila,” sabi pa ni Manilyn.

Bibigyang-buhay ni Manilyn ang karakter ni Conchita, ang nanay ni Mikee Quintos sa nasabing serye.  Ayon sa kanya, mismong siya ay naiintriga sa kuwento dahil sa kakaibang timpla nito. 

“Mapapatanong ka ng: “Totoo ba?,” “Puwede ba ‘yon?” at “Paano?” Kung ikaw ay mahilig magluto, curious sa pinagmulan ng mga bagay-bagay, at nagmamahal, para sa iyo ang The Lost Recipe.”

Abangan si Manilyn Reynes bilang Conchita sa The Lost Recipe sa GMA News TV!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Marian Rivera, kabilang sa Forbes Asia’s Top 100 Digital Stars

Shayne Sava, kinakabahan sa mga eksena sa ‘Legal Wives’