in

Umapaw ang kilig at saya sa Alden’s Reality concert

Trending topic sa social media ang ginanap na “Alden’s Reality: The Virtual Reality Concert” ng Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards nitong Martes (December 8). 

Tinutukan ng lahat ang 10th anniversary concert at kauna-unahang virtual reality concert sa Pilipinas na handog ni Alden sa kanyang fans. Napuno ang social media ng photos at positive feedback habang sila’y nanonood ng concert na tila isang date kasama ng Kapuso star. Nag-enjoy rin ang mga manonood sa iba’t ibang performances ni Alden kasama ang special guests na sina Rodjun at Rayver Cruz at ang OPM band na December Avenue.

Isa rin sa mga inabangan kagabi ang debut performance ni Alden ng kanyang pinakabagong single na ‘Goin’ Crazy’ sa ilalim ng GMA Music at FlipMusic Productions. Sa kasalukuyan, number one ito sa iTunes PH at kabilang din sa Absolute OPM Playlist ng Apple Music. Maaari nang i-stream at i-download ang Goin’ Crazy sa iba’t ibang digital platforms worldwide.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Julie Anne San Jose, may bagong series na pagbibidahan

Jeric Gonzales at Sheryl Cruz, nagpainit sa kanilang behind-the-scenes photos