in

Julie Anne San Jose, may bagong series na pagbibidahan

May panibagong dapat abangan ang Kapuso viewers na siguradong maghahatid ng kilig at aliw – ang upcoming series na ‘Heartful Cafe.’

Bida rito ang Asia’s Pop Diva na si Julie Anne San Jose bilang si Heart Fulgencio, ang online romance novelist na may-ari ng The Heartful Cafe. Makakasama niya rito sina David Licauco na gaganap bilang ang guwapo at goal-driven niyang co-investor na si Ace; Zonia Mejia bilang ang prangka niyang pinsan na si Sol; at si Jamir Zabarte bilang ang boy-next-door at nakakatuwang si Buddy.

Ito ay maghahatid ng iba’t ibang kuwento ng pag-ibig para sa mga manonood kaya siguradong hindi ito dapat palampasin. Tutok lang sa GMA News TV para sa mga susunod pang updates!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

ABS-CBN, panalong Best TV Station sa Platinum Stallion at RAWR Awards

Umapaw ang kilig at saya sa Alden’s Reality concert