in

Drew Arellano, biyaheng Nasugbu ngayong Biyernes

Bago magkaroon ng lockdown dahil sa pandemic, nakapunta pa si Drew Arellano sa Nasugbu, Batangas. Ngayon, matapos ang siyam na buwan, kumusta na kaya ang Nasugbu? Iyan ang aalamin ng Biyahe ni Drew ngayong Biyernes (December 11).

Unti-unti nang nagbubukas ang Nasugbu para sa mga turista, pero hindi pa lahat. Para mabigyan ng preview ang manunuod, bibisitahin ni Drew ang Santelmo Cove na isang protected marine sanctuary. Kung malinaw at mayaman ito noon, tiyak mas lalo na ngayong wala masyadong tao.

Samantala, babalikan din ni Drew ang nakilala niyang tindera ng pansit balita, isang simpleng paraan ng pagluto ng pansit na baboy at sayote lang ang sahog pero malinamnam. Kumusta na kaya siya at ang mga Batangeño ngayon?

Pack your alcohol and sanitizer, put on your face mask and shield, at samahan si Drew Arellano sa Biyahe ni Drew ngayong Biyernes, 9:15 p.m. sa GMA News TV!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Carla Abellana, may feeding program para sa stray animals

Coco Martin at Yassi Pressman, nagkatampuhan nang walang script