in

Coco Martin at Yassi Pressman, nagkatampuhan nang walang script

Tumagal ng pitong minuto ang isang mabigat na eksena nina Coco Martin at Yassi Pressman sa “FPJ’s Ang Probinsyano” nang walang kasamang script at ipinapakita ang alitan ng mga karakter nilang sina Cardo at Alyana bago matulog.

“Here’s one of our one-take script-less Cardo-Alyana scenes. Minsan nakakagawa po kami ng mga freeflow scenes. Bullet points lang. Kung saan galing, kung saan papunta,” pagbabahagi ni Yassi sa Instaggram post niya kalakip ang video ng naturang eksena.

“Nakaka-excite gumawa po ng mga ganitong eksena dahil ‘di mo alam ang magiging kalabasan at kailangan palagi ka lang nag-iisip sa kung anong nararamdaman ng character mo. Isa sa mga grateful po akong matutunan sa #FPJsAngProbinsyano,” saad ni Yassi sa kanyang Instagram post na may kasamang video clip ng nasabing eksena.

Mapapanood sa eksena ang away ng mag-asawa kung saan inirereklamo ni Cardo (Coco) ang seksing pananamit ni Alyana (Yassi) at pinagbabawalan na itong magtrabaho. Napaiyak si Alyana sa pakiusap ni Cardo lalo na’t nabibigyan siya ng pagkakataon ng trabaho niyang mangarap na umasenso sa buhay. Kahit sinubukan nilang ayusin ang hindi pagkaka-unawaan, hindi pa rin ito naayos bago sila matulog at tinanggihan pa ni Alyana ang halik ng asawa.

Napapadalas na nga ang alitan ng mag-asawa na minsa’y nauwi pa sa sigawan dahil sa pagpipilit ni Cardo na itigil na ang pagsisilbi ni Alyana bilang business partner kay Lito (Richard Gutierrez).

Habang lumalayo naman ang loob ni Alyana kay Cardo, patuloy siyang napapalapit kay Lito at nagiging komportable na rin sa mga hawak at paglalambing nito.

Ano ang susunod na hakbang ni Lito para tuluyan nang maangkin ang puso ng minamahal, lalo na’t alam na niyang nagkakaproblema na ang mag-asawa?

Panoorin ang “FPJ’s Ang Probinsyano” sa A2Z channel sa free TV at sa digital TV boxes gaya ng ABS-CBN TVplus. I-scan lang ang digital TV boxes para hanapin ang A2Z channel na mapapanood sa Metro Manila at ilang bahagi ng Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, at Pampanga.

Patuloy din itong napapanood mula Lunes hanggang Biyernes, 8 PM sa CineMo at Kapamilya Channel sa cable at satellite TV sa Kapamilya Channel (SKYchannel 8 sa SD at channel 167 sa HD, Cablelink channel 8, G Sat Direct TV channel 22, at karamihan ng cable operators na miyembro ng Philippine Cable and Telecommunications Association sa buong bansa). Maaari ring subaybayan ito sa Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, pati na rin sa iwant app o iwanttfc.com. Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa The Filipino Channel.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Drew Arellano, biyaheng Nasugbu ngayong Biyernes

ABS-CBN, panalong Best TV Station sa Platinum Stallion at RAWR Awards