in

Carla Abellana, may feeding program para sa stray animals

Nais ng Kapuso star at ‘Love of my Life’ actress na si Carla Abellana na makapaghatid ng tulong hindi lang sa mga kababayan nating nangangailangan kundi pati na rin sa stray animals.

Kilala si Carla sa kaniyang malasakit para sa mga hayop at dahil nalalapit na ang Kapaskuhan, maglulunsad siya ng isang feeding program para sa kanila ngayong December 21 hanggang December 28. Inanunsyo niya ito sa kaniyang Instagram post, “Christmas is fast approaching and it’s time to make some strays feel this season too. Let’s all share our blessings by giving them one of the best gifts a stray dog or cat can get, a clean and decent meal.”

Kasalukuyang nangangalap ng suporta at donasyon si Carla para rito. Samantala, abala pa rin ang aktres sa lock-in taping ng primetime series na ‘Love of my Life’ na malapit nang bumalik sa GMA Telebabad! Abangan!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Cute na rescue dogs, tampok sa ‘i-Witness’ ngayong Biyernes!

Drew Arellano, biyaheng Nasugbu ngayong Biyernes