Simula ngayong Sabado (December 5), abangan ang bagong weekly coming-of-age drama na “Kaibigan: The Series” sa GMA Network.

Pangungunahan ang serye ng kambal na sina Jesse at Christian Perkins, YouTube vlogger na si Janina Vela, at Kapuso actress na si Lianne Valentin.
Tiyak na maraming makaka-relate rito at kapupulutan din ito ng aral dahil tampok sa programa kung paano hinaharap ng apat na magkakaibigan ang realidad ng buhay sa “new normal” dulot ng COVID-19 pandemic.
Abangan ‘yan ngayong Sabado, 8:45 am sa GMA-7.