Kitang-kita ang ganda ng Maynila at ang chemistry nina Kelvin Miranda at Mikee Quintos sa recently uploaded photos ng Department of Tourism, Culture and Arts Manila (DTCAM) para sa upcoming fantasy-romance series ng GMA Public Affairs na “The Lost Recipe.”
Nakipag-partner ang upcoming primetime series ng GMA News TV sa DTCAM, Intramuros Administration, at sa Manila City Personnel Office para ma-showcase ng The Lost Recipe ang iba’t ibang lugar at attractions sa Maynila tulad ng Kartilya ng Katipunan, Jones Bridge, Intramuros, Gota de Leche, at iba pa.
Malaki naman ang pasasalamat ng DTCAM dahil malaki raw ang maitutulong nito sa turismo ng lungsod. “Maganda ang hangarin ng programa para sa amin kaya kami nakipag-koloborasyon. Nagpapasalamat kami sa GMA News TV sa pagpili sa Lungsod ng Maynila bilang sentro ng lokasyon ng kanilang programa. Malaki ang maitutulong nito sa amin bilang Departamento na nangangalaga sa turismo at kasayasayan ng lungsod,” pagbabahagi ng officer-in-charge ng DTCAM na si Charlie Dungo sa isang interview.
Siniguro naman ng programa na nakasunod sila sa safety protocols habang ginagawa ang kanilang photoshoots at ang on-going locked-in taping.
Samantala, marami na ang nag-aabang sa pag-ere ng The Lost Recipe sa GMA News TV.