in

Sylvia Sanchez, Arjo Atayde, Jane Oineza, Angel Aquino, at Joshua Garcia eeksena sa new episodes ng ‘MMK’

Nagbabalik ang longest running drama anthology ng bansa na “MMK,” para maghatid ng mga bagong kwento ng pag-asa at pagbangon sa panahon ng krisis, kasama sina Sylvia Sanchez, Arjo Atayde, Jane de Leon, Angel Aquino, at Joshua Garcia.

Sa unang tampok ng “MMK,” bibigyang buhay ni Arjo ang kwento ni Dr. El Bactol, isang doktor na nagsakripisyo ng kanyang buhay dahil sa COVID-19. Makakasama niya dito ang kanyang inang si Sylvia Sanchez, at si Jane, at idinerehe ni Dado Lumibao. Panoorin ang paunang handog ng MMK ngayong Nobyembre 28 at Disyembre 5.

Samantala kwento naman ng mag-ama ang babandera sa Disyembre 12 tampok sina Joshua at Nonie Buencamino. Idinerehe ni Nuel Naval, iikot and kwento sa mangingisdang si Layot (Nonie) at anak na si Maro (Joshua) na magkaiba and hangarin sa buhay. Alamin kung paano nila pinagsikapang abutin and kani-kanilang pangarap nang magkasama.

Sa pagpasok ng bagong taon, mapapanood naman ng Kapamilya ang kwento ng single mom at OFW na si Vagelyn Tumbaga-Pacio, na gagampanan naman ni Angel Aquino. Sundan ang kwento ng kanyang pagtatagumpay bilang pinakatanyag na Pilipino HR Director ng isang sikat na hotel sa Dubai.

Huwag kalimutang sundan ang mga kwentong kapupulutan ng aral sa “MMK” tuwing Sabado, 8:45 PM sa A2Z channel sa free TV at digital TV boxes gaya ng TVplus. I-scan lang ang digital TV boxes para hanapin ang A2Z channel na mapapanood sa Metro Manila at ilang bahagi ng Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, at Pampanga.

Patuloy pa rin itong mapapanood tuwing Sabado, 9:00 PM sa Kapamilya Channel sa cable at satellite TV (SKYcable channel 8 sa SD at channel 167 sa HD, Cablelink channel 8, G Sat Direct TV channel 22, Cignal channel 22, at karamihan ng cable operators na miyembro ng Philippine Cable and Telecommunications Association sa buong bansa) at sa digital TV boxes.

Ito rin ay nasa Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, pati na rin sa TFC, iwant app o iwanttfc.com. Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa The Filipino Channel.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Sabado Bago Live ng The Puregold Channel aarangkada na!

Angelica Panganiban, sisingilin na si Zanjoe Marudo para sa mga krimen ng pamilya sa ‘Walang Hanggang Paalam’