PATULOY ang Puregold Price Club Inc. sa commitment nito sa pag-innovate at pag-break ng new grounds sa nalalapit na launching ng pilot episode ng pinakabagong talk show ng The Puregold Channel na pinamagatang Sabado Bago Live ngayong Nobyembre 28 (Sabado, 4:00 p.m.), na live na live na ipapalabas sa official Facebook Page ng Puregold.
Ang Sabado Bago Live ay ang latest addition sa exciting roster of shows na nag-iistream sa The Puregold Channel. Naghahain ang show ng diverse range of topics kasama ang host nito – ang King Of Talk na si Boy Abunda at ang kanyang co-host na si Gretchen Ho.
Mula sa newest highlights sa larangan ng brand marketing at newsworthy personalities, hanggang sa latest celebrity updates at hottest online trends, maaaring abangan ng mga netizens ang lingguhang source ng refreshing information at entertainment sa bawat episode.
Binuo ang Sabado Bago Live upang makapagbigay ng quality, topnotch entertainment sa milyun-milyong mga pamilyang Pinoy na nasa kanilang mga tahanan dahil sa pandemiya. Dinisenyo ang lingguhang talk show na ito para sa viewing pleasure ng mga loyal online supporters ng Puregold na aabot sa halos 3 million followers sa pinagsanib-sanib na na platforms ng Facebook, Twitter, Instagram, at YouTube.
Ilan sa mga highly-anticipated segments show ay ang “T.O.P Trending Online Posts,” kung saan magbibigay ang programa ng rundown ng mga trending social media buzz at entertainment news kada linggo; “The Full Blast,” kung saan ipapakita ang istorya ng mga normal na tao na naging viral sa web; at “Launch Pad,” na isang segment nan aka-focus sa mga brand partners ng Puregold kung saan ipapakilala nila ang kanilang mga first-in-market products at campaigns at pati na rin ang isang espesyal na segment kung saan uupo si Boy Abunda kasama ang mga top celebrities sa isang exclusive, in-depth conversation kasama ang kanyang signature rapid fire questions.
“Espesyal ang relationship ko sa Puregold. Pamilya ko sila and I feel that I am home,” sabi ni Boy Abunda. “This is the very first time that I will be doing something like this in this format, streaming on a social media platform. Hindi ko alam how the show will turn out at sobra akong excited.”
Para sa mga updates sa Sabado Bago Live at sa iba pang fantastic content ng The Puregold Channel, i-like ang @puregold.shopping sa Facebook, sundan ang @puregold_ph sa Instagram at Twitter, at mag-subscribe sa Puregold Channel sa YouTube.