in

Ina Feleo, sa museum gaganapin ang nalalapit na kasal

Excited na ang ‘Bilangin ang Bituin sa Langit’ star na si Ina Feleo sa kaniyang nalalapit na intimate wedding ngayong Disyembre 1 na gaganapin sa Pinto Art Museum sa Antipolo City.

Napagdesisyunan ni Ina at ng kaniyang Italian boyfriend na si Giacomo Gervasutti (o James Gerva) na sa naturang museum ikasal dahil malapit lang ito sa Metro Manila at pwede silang magkaroon ng al-fresco reception bilang pag-iingat na rin sa COVID-19.

Pagkukuwento ng aktres, “Sa Pinto Museum namin gagawin kasi ito ‘yung pinaka-favorite namin na date place and we both love art. Sobrang ganda kasi talaga for us ‘yung Pinto. Feeling ko, aside from it being a museum with art pieces, the place itself is art.”

“And at the same time, open-air. Siyempre ngayon, mas maganda kung al fresco ‘di ba? And then maluwag ‘yung space so pwede talaga ‘yung social distancing, ganun,” dagdag pa niya.

Hindi naman masyadong nahirapan si Ina sa pag-aayos ng kanilang wedding dahil tumutulong dito ang kanyang inang si Direk Laurice Guillen.

Samantala, balik-telebisyon na ang Bilangin ang Bituin sa Langit simula ngayong Disyembre 7 sa GMA Afternoon Prime. 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Benjamin Alves, na-starstruck kay Nova Villa

Super Tekla, may isisiwalat ngayong Linggo sa ‘The Boobay and Tekla Show’