in

Kate Valdez, may advice sa mga kabataang nag-aadjust sa new normal

Sa kaniyang exclusive interview sa GMANetwork.com, ibinahagi ng Kapuso actress na si Kate Valdez na ramdam din niya ang hirap na dala ng new normal kaya naman may payo siya para sa mga kabataang nahihirapan sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Kate, “I just want you to let you know na kahit may nangyayari ngayon, huwag tayo mawalan ng pag-asa. Puwede pa rin ninyong gawin ang nagpapasaya sa inyo, but kailangang doble ingat. Kailangan natin mas maging malinis sa sarili at sa paligid para safe tayo. And makinig kina mommy and daddy. And also don’t forget to pray.”

Natapos na ang aktres sa kaniyang lock-in taping para sa primetime series na ‘Anak ni Waray vs. Anak ni Biday’ na magbabalik na sa GMA Telebabad. Mapapanood din si Kate sa ‘Witch is Which’ episode ng Daig Kayo Ng Lola Ko ngayong Linggo bilang si Jasmine, pagkatapos ng 24 Oras Weekend.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

AILEE, Cheesa, Jake Zyrus, Matt Bloyd, Nicole Scherzinger, Pia Toscano, Regine Velasquez, at Sheléa, may awiting kabilang sa ‘Kaibigan: A Troy Laureta OPM Collective’

Betong Sumaya, nagsagawa ng birthday benefit concert