in

Cast ng ‘First Yaya,’ start na rin sa lock-in taping!

Sumalang na rin ang cast ng upcoming Kapuso series na ‘First Yaya’ sa kanilang lock-in taping.

Sa Instagram photo na ibinahagi ng Senior Program Manager ng serye, makikita ang lead star ng show na si Sanya Lopez kasama ang co-stars niyang sina Cai Cortez at Kakai Bautista at teen stars na sina Cassy Legaspi, Clarence Delgado, at Patricia Cloma.

Naghahanda na rin para sa lock-in taping ang lead actor at makakapareha ni Sanya na si Gabby Concepcion, “Gearing up for taping… First Yaya.”

Iikot ang kuwento ng First Yaya kay Yaya Melody (Sanya) na magsisilbi sa pamilya ng Presidente ng Pilipinas na si Glenn (Gabby). 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Nora Aunor at Sen. Bong Revilla, pinarangalan sa Gawad Amerika Awards

AILEE, Cheesa, Jake Zyrus, Matt Bloyd, Nicole Scherzinger, Pia Toscano, Regine Velasquez, at Sheléa, may awiting kabilang sa ‘Kaibigan: A Troy Laureta OPM Collective’