in

Glaiza de Castro, nagbigay ng tulong sa Baler, Aurora

Nagpakita ng suporta si Glaiza de Castro sa mga residente ng Baler, Aurora na nasalanta ng Bagyong Ulysses sa pamamagitan ng pagre-repack at pamimigay ng relief goods.

Bukod dito, inengganyo rin niya ang publikong magbahagi ng donasyon para sa mga biktima ng bagyo sa iba’t ibang parte ng bansa.

Samantala, nagbigay rin ang Kapuso actress ng ilang detalye tungkol sa isa sa mga inaabangan niyang acting projects para sa 2021. Pinili ang aktres ng Canadian Film Society para gumawa ng pelikula at kukunan ito sa Canada.

“Joint project ‘to ng mga Canadian at mga Filipino sa Canada at ito ay idi-direct ni Filbert Wong. Ang story nito medyo related sa illegal business. Medyo may pagka-‘Breaking Bad,’” aniya.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Mark Herras, kumasa sa ‘My Boyfriend Does My Makeup’ challenge ni Nicole

Kapuso artists, magsasanib-pwersa ang himig ngayong Pasko