in

Alice Dixson, excited na sa role bilang isang Muslim sa ‘Legal Wives’

Looking forward na si Alice Dixson sa kaniyang role bilang isang Muslim sa upcoming Kapuso series na ‘Legal Wives.’

Kuwento ng aktres, bukod sa kaniyang paninirahan sa Dubai at Qatar ng ilang taon, marami pa rin siyang natututunan sa kultura ng mga Muslim bilang paghahanda sa kaniyang karakter na si Almirah Macadato.

Aniya, “Now that dumating itong pagkakataon na I can learn more about their culture, it’s quite fascinating actually.”

“Ang ganda ng pagkasulat. Kumbaga it doesn’t matter what religion you are. It all boils down to your family, the values that you have. ‘Yun bang the love that you share,” dagdag pa niya.

Ito rin ang unang pagkakataon na makakatrabaho ni Alice sina Dennis Trillo, Andrea Torres, Bianca Umali at Cherie Gil.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

A2Z Channel 11, masasagap na sa Digital TV Box

‘StarStruck’ alumni, bida sa bagong ‘YouLOL’ show na ‘The Cray Crew’