in

Good vibes ang hatid ng ‘ASAP Natin ‘to’ ngayong Linggo

Todo-todo ang ganda at good vibes ngayong Linggo dahil sa mga world-class performances na hatid ng mga favorite Kapamilya stars natin sa “ASAP Natin ‘To,” na mapapanood sa A2Z nang live sa digital TV boxes, tulad ng TVPlus.

Bibigyang-pugay ang ganda ng Pilipina kasama ang mga reyna ng Miss Universe Philippines na sina Rabiya Mateo, Ysabella Ysmael, Pauline Amelinckx, at Billie Hakenson, sa inihandang special performance ng all-star ASAP Natin ‘To family.

Hindi naman papahuli ang Queen of the Dancefloor na si Kim Chiu at si Loisa Andalio para sa kanilang pasabog na dance performance sa ASAP stage.

Present din ngayong Linggo ang mga naggwagwapuhang heartthrobs na sina Inigo Pascual, Sam Concepcion, at Kyle Echarri para mangharana, habang paiinitin naman ni Ronnie Alonte ang dance floor sa kanyang dance number.

Handa na ring magpakilig sina Jeremy Glinoga, Jameson Blake, Joao Constancia, Lance Carr, at Tan Roncal at meron ding isang sorpresang performance mula sa mga kinagigiliwang StarHunt Academy Trainees.

Abangan din ang triple treat showdown nina Erik Santos, Inigo, Nyoy Volante, iDolls, Jona, Klarisse, at Kyla. May pa-KDrama kantahan din na hatid nina Divine Diva Zsa Zsa Padilla, Jed Madela, Nina, at Jason Dy.

Magpapakitang gilas naman ang mga panibagong singers na sina Sam Cruzm Anji Salvacion, KD Estrada, Diego Gutierrez, kasama ang the Voice Kids champion Lyca Gairanod.

Handog naman ng Queen of Hugot na si Moira dela Torre ang bago niyang awitin na “Paubaya.”

Tampok pa rin sa ASAP ang live world-class performances mula kina Angeline Quinto, Elha Nympha, Martin Nievera, Ogie Alcasid, Gary Valenciano, at Regine Asia’s Songbird Velasquez.

Pakatutukan ang ASAP Natin ‘To ngayong Linggo (Nobyembre 22), 12 NN sa A2Z, na mapapanood hindi lang sa free TV kundi pati na sa digital TV box tulad ng TVPlus.

I-scan lang ang digital TV boxes para mahanap ang A2Z channel na mapapanood sa Metro Manila at ilang bahagi ng Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, at Pampanga.

Patuloy pa ring mapapanood ang ASAP sa cable at satellite TV sa pamamagitan ng Kapamilya Channel (SKYcable channel 8 sa SD at channel 167 sa HD, Cablelink channel 8, G Sat Direct TV channel 22, Cignal channel 22, at karamihan ng cable operators na miyembro ng Philippine Cable and Telecommunications Association sa buong bansa).

Abangan din ito sa Kapamilya Online Live na mapapanood sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, TFC, at iWantTFC. Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Crystal Paras: Kay Mama ako kumukuha ng lakas

Jodi Sta. Maria, nagbabalik- bansa para sirain ang buhay ni Iza Calzado sa ‘Ang Sa Iyo Ay Akin’