in

Crystal Paras: Kay Mama ako kumukuha ng lakas

Aminado ang StarStruck Season 7 alumna na si Crystal Paras na nahirapan siya sa pag-adjust sa quarantine. Inabot daw nang ilang buwan bago tuluyang nag-sink in sa kanya na aabot ng ganito katagal ang COVID-19 pandemic.

Nang tanungin kung saan siya kumukuha ng lakas sa araw-araw, ibinahagi ni Crystal na malaking tulong ang naibibigay ng kanyang ina, “My mom talaga because she’s guiding me. She’s guiding me throughout my career, my decisions when it comes to gigs and everything, bago pa ako mag-GMA. Pero ngayon, mas naa-appreciate ko na she’s here in the Philippines, guiding me in person. I also draw a lot of strength from my best friends, the people who support me online and wherever. Pero pinaka pinaka talaga si Mama.”

Kasalukuyang naghahanda na si Crystal para sa magiging role niya sa upcoming series sa GMA News TV na ‘The Lost Recipe,’ kung saan makakasama niya sina Mikee Quintos at Kelvin Miranda.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Alden Richards, may regalo sa fans bukod pa sa concert

Good vibes ang hatid ng ‘ASAP Natin ‘to’ ngayong Linggo