Inamin na sa wakas ni Alyana (Yassi Pressman) sa sarili niyang bumabalik na ang nararamdaman niya para kay Lito (Richard Gutierrez) habang unti-unti namang lumalayo ang loob niya sa asawang si Cardo (Coco Martin) sa “FPJ’s Ang Probinsyano,” na mapapanood sa A2Z channel na available na sa ABS-CBN TVplus at iba pang digital TV boxes.
Isang espesyal na dinner date ang inihanda ni Lito para kay Alyana kung saan nagbalik-tanaw sila sa mga masasayang araw nilang dalawa bilang magkasintahan. Dito na rin umamin si Lito na gusto niyang makasama si Alyana habangbuhay, kagaya ng pangako nila sa isa’t isa noon.
Bagama’t tinanggihan ni Alyana ang halik ni Lito, paulit-ulit namang bumabalik sa isipan niya ang pag-amin ng dating kasintahan, at tila nagtatanim na ng sama ng loob sa asawa. Ito ay matapos siyang pagsabihan ni Cardo na manatili na lang sa bahay at huwag nang magtrabaho para kay Lito.
Dahil sa kanilang away, mas lalong nalito ang puso ni Alyana sa kung ano ba talaga ang tunay niyang nararamdaman. “Ano ba ang nangyayari sa akin? Mahal ko pa rin si Cardo pero parang bumabalik ‘yung nararamdaman ko para kay Lito. Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong gawin,” sabi niya sa sarili.
Hanggang kailan kayang pigilan ni Alyana ang damdamin niya para kay Lito?
Panoorin gabi-gabi ang “FPJ’s Ang Probinsyano” sa A2Z channel sa digital at analog TV. I-scan lang ang digital TV boxes para hanapin ang A2Z channel na mapapanood sa Metro Manila at ilang bahagi ng Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, at Pampanga.
Patuloy din itong napapanood mula Lunes hanggang Biyernes, 8 PM sa CineMo at Kapamilya Channel sa cable at satellite TV sa Kapamilya Channel (SKYchannel 8 sa SD at channel 167 sa HD, Cablelink channel 8, G Sat Direct TV channel 22, at karamihan ng cable operators na miyembro ng Philippine Cable and Telecommunications Association sa buong bansa). Maaari ring subaybayan ito sa Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, pati na rin sa iwant app o iwanttfc.com. Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa The Filipino Channel.
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.