in

Paolo Contis, ‘single dad for a day’ sa bagong vlog!

Naka-survive kaya ang Kapuso star na si Paolo Contis sa pagsabak niya sa “Single Dad” challenge? Sa latest vlog ng comedian/actor, isang buong araw siyang nagbantay at nag-alaga kay Aki at Baby Summer ng walang tulong mula sa kanilang Mommy at kaniyang partner na si LJ Reyes.

First day ng work in the new normal ni LJ kaya pansamantalang iniwan muna niya sa bahay ang mag-aama. Mapapanood sa video kung paano binabalanse ni Paolo ang pag-aasikaso sa mga bata habang isinasagawa ang household chores at kanyang trabaho online.

Ibinahagi rin niya ang sikreto sa kanyang pagpapapayat: ang pagsunod sa juice cleanse/detox. Para sa kabuuan ng vlog na “A Day in the Life of #PaoJ: Iwan Ako sa Kids,” pumunta lang sa YouTube channel ni Paolo.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Hostage survivor at guro mula Marawi, ibibida ni Judy Ann Santos sa ‘Paano Kita Mapasasalamatan’

Mga pelikula ng GMA Films, mapapanood sa ika-4 na PPP Festival!