in

Myx, may fundraising show kasama ang OPM artists para sa mga nasalanta ng bagyo

Pagsasamahin ng MYX ang higit 20 OPM artists sa magaganap na 20th anniversary benefit show nito ngayong Sabado (Nobyembre 21) na naglalayong maghatid ng tulong sa mga naapektuhan ng pananalanta ng magkakasunod na bagyo sa bansa.

Kasama ang ABS-CBN Foundation Inc. (AFI), maghahatid ng taos-pusong pagtatanghal sa “#MYX20 Fundraiser” ang ilang OPM icons, mga paboritong banda, at iba pang solo artists para sa mga Pilipinong nangangailangan. Lahat ng malilikom na donasyon ay mapupunta sa Sagip Kapamilya program ng AFI.

Tampok sa palabas ang mga performance ng OPM bands na 6cyclemind, Callalily, Gracenote, Hilera, I Belong To The Zoo, Itchyworms, Mayonnaise, Moonstar88, Paraluman, Sponge Cola, at The Juans.

Maglalaan din ng oras para mag-perform sina Barbie Almalbis, Bea Lorenzo, Clara Benin, Darren Espanto, Inigo Pascual, Janine Teñoso, Keiko Necesario, Leanne & Naara, Syd Hartha, at Zach Tabudlo.

Panoorin ang #MYX20 Fundraiser show, live ng 7 pm ngayong Sabado (Nobyembre 21) sa Facebook, Twitter, at YouTube channel ng MYX Philippines. Mapapanood din ito via TFC Asia Pacific (APAC) sa Linggo (Nobyembre 22) 12 nn sa Hong Kong and Singapore, 1 pm sa Japan, 2 pm sa Guam, 3 pm sa Sydney, at 5 pm sa New Zealand. Ipapalabas din ito sa TFC Europe, Middle East, and Africa (EMEA) sa Linggo, 10:30 pm sa Saudi Arabia, 11:30 pm sa Dubai, 8:30 pm sa Rome, at 7:30 pm sa London, habang mapapanood naman ito 1:30 pm PST sa Linggo sa TFC NOLA.

Pwede ring tumutok sa Linggo 10 am PST sa Myx TV US o sa Myx TV EMEA 1 pm CET at 4 pm sa United Arab Emirates.

Para sa iba pang detalye, sundan ang MYX Philippines sa Facebook (www.facebook.com/MYX.Philippines), Twitter (@MYXphilippines), at Instagram (@myxph).

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Galing nina Zsazsa Padilla at KZ Yandingan sa hulaan masusubukan sa ‘I Can See Your Voice’

Willie Revillame, tuloy ang pagtulong sa mga biktima ng bagyo