Sinimulan ng Kapuso actor na si Jason Abalos ang ‘The Clean Water Project’ para sa mga residente ng Cagayan at Isabela na tinamaan ng bagyo. Layunin nitong magbigay ng malinis na tubig para sa mga nasabing probinsya.
“Maigsing kuwento lang. Kahapon kausap ko pinsan ko na nasa Isabela sabi ko bili tayo water containers para pwede pa magamit ulit, at sana may mga refilling station sa Cagayan at Isabela na magbigay muna ng libreng refill ng tubig. Nakapagbigay po kami ng ilan. Pero madami pa rin po ang nangangailangan ng malinis na tubig na maiinom,” kuwento niya sa Instagram.
Dagdag pa ng aktor, “Hindi ako nagse-celebrate ng birthday pero magsisimula ako ngayon at magpapainom tayo ng malinis na tubig. DM n’yo na lang po ‘yong regalo n’yo na donasyon at bibili tayo ng water containers para sa pamilyang nasalanta ng bagyo. Maraming salamat po,” aniya.
Ibinalita rin ni Jason na as of November 18, mayroon nang naipong clean drinking water para sa 400 families ang proyekto.