in

Hostage survivor at guro mula Marawi, ibibida ni Judy Ann Santos sa ‘Paano Kita Mapasasalamatan’

Kwento ng pagmamahal sa propesyon sa kabila ng matinding pagsubok ang matutunghayan mula sa apat na guro sa “Paano Kita Mapasasalamatan” kasama si Judy Ann Santos-Agoncillo, na mapapanood ngayong Sabado (Nobyembre 21) sa A2Z channel na available na sa ABS-CBN TVplus at iba pang digital TV boxes.

Ibabahagi sa episode ang kwento ng apat na guro na sina Lordvinn Acopio, Aljo Catedral, Michael Brizal, at Jonathan Almirante na nakahanap ng paraan para matulungan ang isa’t isa at pinatunayan na ang pagbibigay ng edukasyon ay walang pinipiling relihiyon.

Isa si Lordvinn sa mga gurong nabihag sa Marawi siege noong 2017 na napilitang magsilbi bilang doktor para iligtas ang buhay niya. Sa loob ng mahigit apat na buwan, ang co-teacher niyang si Aljo ang nagbigay ng pag-asa sa pamilya niya na makakauwi siya nang buhay.

Pasasalamatan naman ni Aljo ang kabutihan ng isang pamilyang kumupkop sa kanya pagkatapos niyang ma-stroke, habang bibigyang pugay ni Michael ang isang kaibigang tumulong sa kanyang magsimula ng bagong buhay matapos ang matinding pinagdaanan sa Marawi.

Mapapanood din ang kwento ni Jonathan, isang grade three science teacher sa isang public school sa Cavite, na ang hangarin ay lutasin ang labis na pagbaha sa kanilang eskwelahan para mabigyan ng pagkakataon ang mga estudyante na matuto nang maayos.

Subaybayan ang mga totoong istorya na puno ng pag-asa at inspirasyon mula kay Juday sa “Paano Kita Mapasasalamatan” tuwing Sabado ng 6:45 PM sa A2Z channel.

I-scan lang ang digital TV boxes para hanapin ang A2Z channel na mapapanood sa Metro Manila at ilang bahagi ng Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, at Pampanga.

Napapanood din ang “Paano Kita Mapasasalamatan” ng 7 PM sa Kapamilya Channel (SKYcable channel 8 sa SD at channel 167 sa HD, Cablelink channel 8, G Sat channel 22, at karamihan ng cable operators na miyembro ng Philippine Cable and Telecommunications Association (PCTA) sa buong bansa), sa Kapamilya Online Live sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel at Facebook page, pati na rin sa iWantTFC app (iOs at Android) at sa iwanttfc.com. Napapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa The Filipino Channel.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Neil Ryan Sese, tampok bilang ‘catfish’ sa #MPK

Paolo Contis, ‘single dad for a day’ sa bagong vlog!