in

ABS-CBN, inilunsad ang pinagsanib na iWantTFC para sa mga Pilipino sa buong mundo

Mapapanood na ng mga Pilipino ang paborito nilang pelikula at Pinoy entertainment shows saan man sila sa mundo sa pagsasanib ng dalawang streaming platforms ng ABS-CBN para maging iWantTFC. Bilang ang bagong tahanan ng kwento ng mga Pilipino, ito ang unang Pinoy streaming platform na available na ngayon para sa mga Pilipino sa buong mundo.

Sa bagong iWantTFC, unang mapapanood ng users sa loob at labas ng bansa ang bagong episodes ng mga Kapamilya teleseryeng “FPJ’s Ang Probinsyano,” “Ang Sa Iyo Ay Akin,” “Walang Hanggang Paalam,” at “Bagong Umaga,” 48 oras bago sila umere sa kahit anong platform o channel. Pwede rin nilang ma-enjoy ang tuloy-tuloy na panonood nang walang ads.

Sa iWantTFC naman ekslusibong napapanood sa buong mundo ang bagong Kapamilya teleseryeng “La Vida Lena” na pinagbibidahan ni Erich Gonzales. Nakasama rin sa paglulunsad ng first episode nito noong Sabado (Nobyembre 14) ang piling fans mula sa iba’t ibang bansa na nakakwentuhan ang buong cast ng serye online.

Exciting din ang taong ito dahil maglalabas pa ang iWantTFC ng mga bago at paparating na Originals gaya ng “Bawal Lumabas” nina Kim Chiu, Kyle Echarri, at Franchine Diaz, “Hoy Love You” na itatampok ang pagbabalik-tambalan nina Roxanne Guinoo at Joross Gamboa, “I Can Wait Forever” nina Loisa Andalio at Ronnie Alonte, “He’s Into Her” nina Donny Pangilinan at Belle Mariano, at “Ampalaya Chronicles: Me & Mrs. Cruz,” ang pinakabagong episode sa anthology series kasama sina Beauty Gonzalez and Kiko Estrada.

Bukod naman sa “My Lockdown Romance” at weekly episodes ng “The House Arrest of Us,” malapit na ring mapanood sa iWantTFC ang upcoming Star Cinema movies mula CineXpress na “Boyette” at “Four Sisters Before the Wedding” ngayong taon.

Samantala, libre namang mae-enjoy ng users sa Pilipinas ang pinakahuling episodes ng currently airing ABS-CBN shows sa loob ng pitong araw. Ekslusibo ring mapapanood sa Pilipinas ang Thai series na “Theory of Love” at “The Shipper” ngayong taon.

Sa bagong iWantTFC, mayroon ding offline viewing ng mga piling pelikula at show sa app na pinapayagan silang mag-download ng palabas at panoorin ito kahit walang internet. Mas pinaganda rin ang panonood ng iWant TFC sa mas malaking screen dahil available na ito sa mga piling TV brands, pati na sa Roku at Telstra TV.

Para ma-enjoy ang mga ito, kailangan lang mag-download ng iWantTFC app sa Google Play o Apple App Store o pumunta sa iwanttfc.com at gumawa ng bagong account. Pwede ring ma-enjoy ng bagong users ang 30-day free trial sa app.

Para ma-access ang pinakamalaking koleksyon ng mga bago at minahal na Filipino movies at shows, may tatlong subscription plans na mapagpipilian—free, standard, at premium.

Para sa mga gustong tuloy-tuloy ang panonood nang walang ads, pwedeng mag-subscribe sa premium plan na nagkakahalaga ng P119 kada buwan. Pwede rin nilang piliin ang standard plan para mapapanood ang lahat ng palabas at pelikula na may ads sa halagang P59 kada buwan.

Parehong mae-enjoy ng premium at standard subscribers ang higit sa 1,000 pelikula, full access sa live channels gaya ng Kapamilya Channel, TeleRadyo, ANC, CineMo, at Knowledge Channel, lahat ng bagong ABS-CBN shows, Kapamilya classics, newscasts, lifestyle shows, Asianovelas, lahat ng iWant TFC originals, at iba pang digital content.

Para naman sa iWantTFC users sa labas ng Pilipinas, magkaiba-iba ang presyo ng subscription plans depende sa bansa.

Pwede ring hindi magbayad gamit ang free plan, ngunit may ads at limitado ang ibibigay na access nito sa 300 pelikula, tatlong live channels, piling episodes ng shows, at full access sa sampung teleserye kada buwan.

Tuloy lang sa iWantTFC, ang tahanan ng mga kwentong Pilipino, at mag-download na ng app sa Google Play o App Store o mag-log in sa iwanttfc.com.

Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/iWant, sundan ang @iwanttfc sa Twitter at Instagram, at mag-subscribe sa www.youtube.com/iWantTFC. Kung may mga katanungan naman, ipadala ang mga ito sa Facebook page ng iWant TFC o mag-e-mail sa [email protected].

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Jason Abalos, may ‘The Clean Water Project’ para sa Cagayan at Isabela

Team Layf, bida sa huling ‘Pilikula’ ngayong taon