in

Shaira Diaz, aminadong ‘one of the boys’

Naikuwento ni Shaira Diaz sa GMA Artist Center online show na “In The Limelight” ang kanyang pagiging “one of the boys.”

Ayon kay Shaira, “Simula bata ako, puro lalaki na ‘yung mga kasama ko. Unang-una, sa family ko, only girl ako then ‘yung cousins ko puro lalaki talaga sila lahat. Kaya, ayun, ‘yung mga nagiging barkada nila, nagiging barkada ko rin.”

“Nahilig din ako sa rough games ‘nung bata ako tapos katulad ngayon, gamer ako, naglalaro ako ng DOTA, naglalaro ako ng ML (Mobile Legends), halos puro panlalaki na games. Pero ayun nga, ‘yun ang dahilan kung bakit one of the boys ako,” dagdag pa ni Shaira.

Samantala, patuloy naman ang paghahanda ni Shaira sa upcoming action-packed series ng GMA Public Affairs na Lolong.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Arra San Agustin, nakapag-reflect ngayong quarantine

Barbie Forteza at Jak Roberto, magkasama sa endorsement project