in

Mike Enriquez, 2 dekada nang ‘Imbestigador’ ng bayan!

Twenty years na pala ngayong 2020 ang GMA Public Affairs program na Imbestigador. Ibig ding sabihin nito ay dalawang dekada na ang award-winning broadcast journalist at ‘Sumbungan ng Bayan’ na si Mike Enriquez sa paghahatid ng Serbisyong Totoo sa viewers at sa mga naghahanap ng aksyon at katarungan.

Marami nang natulungan ang Imbestigador at patunay lang ang tagal nito sa telebisyon at mga award na tinatanggap ng programa na talagang pinagkakatiwalaan ito ng publiko.

Isa ang Imbestigador sa mga programang nakapagpalabas agad ng fresh episodes kahit pa may pandemya. Noong Hulyo ay nagkaroon ito ng series ng investigative reports na tumatalakay sa COVID-19. Sinundan pa ito ng paglalahad ng mga krimeng naganap sa gitna ng community quarantine sa “Imbestigador: Quarantine Crimes” series.

Congratulations sa Imbestigador at kay Mike Enriquez!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Lovi Poe at Benjamin Alves, sumabak na sa lock-in taping para sa ‘Owe My Love’

‘My Korean Jagiya,’ isa sa pinaka-memorable na experience ni Alexander Lee