in

Arra San Agustin, nakapag-reflect ngayong quarantine

Aminado ang Kapuso actress na si Arra San Agustin na mas marami siyang natutunan tungkol sa kanyang sarili dahil sa quarantine. Sa tulong daw ng panahong inilagi niya sa bahay, nagkaroon siya ng chance na maging reflective at mas ma-relax.

Kuwento ni Arra, “Ako kasi, matatawag ko ‘yung sarili ko na workaholic. Ayaw ko na may nafi-free ako na araw. Parang feeling ko ang useless ko kapag wala akong nagagawa sa isang araw na wala akong trabaho, na puro pahinga. Since ngayon lockdown, nasa bahay lang, naging anxious ako na ang dami kong naisip. At this point, nagamit ko siya para mag-reflect, para mas magkaroon ng time sa sarili ko and sa family ko.”

Samantala, excited na rin si Arra sa kanyang upcoming project sa GMA Public Affairs kasama sina Ruru Madrid at Shaira Diaz na ‘Lolong.’ Nakatakdang magsimula ang lock-in taping nila bago matapos ang taon kaya abangan ‘yan, mga Kapuso!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Jeremiah Tiangco, natupad ang pangarap na makasama sa Station ID

Shaira Diaz, aminadong ‘one of the boys’