in

Heart Evangelista, tuloy ang pamimmigay ng free tablets sa mga estudyante

Sa kaniyang Big Heart PH project, patuloy na dumarami ang mga estudyanteng naaabutan ng tulong ng Kapuso star at Queen of Creative Collaborations na si Heart Evangelista sa pamamagitan ng libreng tablets na magagamit nila sa online classes sa isinasagawang distance learning ngayong taon dahil sa banta ng COVID-19 pandemic.

Sinimulan ni Heart ang initiative na ito noong Hulyo para mabigyan ng pagkakataon ang mga underprivileged kids sa iba’t ibang komunidad sa bansa na ituloy ang kanilang pag-aaral.

Inanunsyo ng aktres sa kaniyang social media pages na magkakaroon na naman siya ng panibagong batch ng tablets na ipapamigay, “I’m so thankful that I’m given opportunities to give back to those most in need during times like these. For this recent 2nd batch that was launched last Nov. 9, I’ll be tying up with Cherry Mobile to give away another 500 Cherry tablets with free data to more students in need of a device! Just make sure to stay updated with and follow Big Heart PH to find out how you can avail your own Cherry tablet along with free data!”

Tampok din ang Big Heart PH project ni Heart sa ‘Isang Puso Ngayong Pasko,’ ang 2020 Christmas Station ID ng GMA Network na inilunsad kagabi. Mapapanood ang kabuuan nito sa official social media pages at YouTube channel ng GMA.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

GMA Christmas Station ID, trending: 1 million views agad sa Facebook!

Gabbi Garcia, ginamit ang social media upang tumulong