in

GMA Christmas Station ID, trending: 1 million views agad sa Facebook!

Marami ang nag-abang sa launch ng Kapuso Christmas Station ID na “Isang Puso Ngayong Pasko” nitong Lunes (Nobyembre 16).

Bukod sa mga paboritong Kapuso stars at news and public affairs personalities, talaga namang kapansin-pansin ang napakagandang mensahe ng Kapuso Christmas Station ID – ang pagiging “Isang Puso Ngayong Pasko” sa kabila ng mga pagsubok na pinagdaanan natin.

Wala pang isang araw ay umabot na agad ito ng 1 million views sa Facebook at napasama rin sa Top 5 trending videos sa YouTube Philippines. As of this writing ay mahigit 260,000 views na ito sa YouTube. Trending din ito sa Twitter Philippines nitong Lunes.

Post ng isang netizen, “This video deserves a million views! Kailangan natin ‘to ngayon para ma-lift up ang spirit natin. Despite all the crisis and challenges we’re facing right now, tuloy na tuloy ang Pasko! Nakakaproud maging PINOY at MAGING KAPUSO!”

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘Sad Songs’ ni Lesha, kinagat ng mga taga-Southeast Asia

Heart Evangelista, tuloy ang pamimmigay ng free tablets sa mga estudyante