in

Alden Richards, nag-livestream para makatulong sa typhoon victims

Sa pamamagitan ng kanyang gaming livestream nitong Linggo ng gabi, nakalikom ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards ng pera upang makatulong sa mga nasalanta ng bagyong Ulysses.

Tinatayang umabot sa mahigit P200,000 ang naipon ni Alden mula sa mga nag-donate ng “stars” sa naging laro niya ng Mobile Legends. Lahat ng natanggap niyang stars na may katumbas na halaga ay ido-donate niya para sa mga biktima ng bagyo.

Sa kanyang Twitter account, taos-pusong nagpasalamat ang Kapuso star sa mga sumali at nag-abot ng tulong: “Maraming salamat sa lahat ng nag donate. Patuloy po tayong tumulong sa abot ng ating makakaya sa mga nasalanta ng bagyo. God bless and keep safe.”

Samantala, nakaabang na rin ang fans ni Alden sa kaniyang anniversary concert sa darating na December 8 — ang ‘Alden’s Reality.’ Almost sold out na ang tickets para rito kaya bisitahin na agad ang www.gmanetwork.com/synergy para alamin kung papaano maging parte ng kauna-unahang virtual reality concert sa bansa!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

David Licauco, ido-donate ang kita ng online business sa mga nasalanta ng Typhoon Ulysses

Rocco Nacino, naghatid ng tulong sa Rizal kasama ang Philippine Navy at Philippine Marine Corps