in

Julie Anne San Jose, ready na bang umibig muli?

Handa na kaya ang Asia’s Pop Diva na si Julie Anne San Jose na pumasok muli sa isang romantic relationship? Sa exclusive interview niya sa 24 Oras, ibinahagi niya ang kasalukuyang estado ng kaniyang love life.

“Hindi naman ako naghahanap, e. It’s just around the corner. And kung sino man ‘yung dumating, ‘yung binigay ni Lord, ‘di ba? We are all capable of trying to love again and be loved.”

Thankful din siya sa mga blessing na natatanggap sa kaniyang trabaho, “I’m still very blessed that despite the pandemic and limited lang ‘yung pwede nating gawin, happy ako na I get to do the things that I love doing like making more music.”

Sa ngayon ay abala muna si Julie sa kaniyang music career at sa pagho-host ng ‘The Clash’ Season 3 at tuwing Linggo sa weekend variety show ng GMA na ‘All-Out Sundays.’

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Joaquin Domagoso, kinikilig kay Cassy Legaspi?

Muling paglipad ng ‘Ibong Adarna,’ tampok sa Dokyu ni Jeff Canoy