in

Harana scene ng ‘DOTS Ph,’ kinakiligan ng netizens!

Kilig overload ang panghaharana ni Big Boss (Dingdong Dantes) kay Doc Beauty (Jennylyn Mercado) sa episode ng ‘Descendants of the Sun: The Philippine Adaptation’ nitong Lunes.

Komento ng viewers ay grabe raw ang on-screen chemistry ng tambalang Dingdong at Jennylyn, “Ramdam ko ‘yung totoong tawa nina Jennylyn at Dingdong dito. Haha! Pwede bang awardan sila ng King and Queen of RomCom?!”

Sey naman ng isang netizen, “Di ako maka get over sa harana ni Capt. Lucas at Alpha Team. HAHAHA. ANG CUTEEEE!”

Habang patuloy na sinusuyo ni Big Boss si Doc Beauty, tuluyan na nga bang magkakalayo sina Diego (Rocco Nacino) at Moira (Jasmine Curtis-Smith)?

Tutukan ang exciting at nakakakilig na fresh episodes ng ‘DOTS Ph,’ weeknights pagkatapos ng ‘Encantadia’ sa GMA-7.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Carla Abellana, ipinagdasal ang mga hayop na naapektuhan ng bagyo

Aiko Melendez, may hatid na aral sa viewers ng ‘Prima Donnas’