Panalo ang pilot episode ng bagong iWantTFC original series na “Oh, Mando” na pinagbibidahan ni Kokoy De Santos na nakakuha agad ng maraming fans dahil sa pagiging relatable nito, katatawanan, at “very Pinoy” na jokes at batuhan ng mga linya.
Sa katunayan, binaha ng papuri ang serye sa social media at mga positibong reviews sa YouTube. Marami sa kanila, natuwa sa performance ng buong cast at inaabangan na ang susunod na episode ngayong Huwebes (Nobyembre 12), 9 PM.
Ayon sa Twitter user na si @ikkooza, “Lemme say it’s really refreshing to see a full production BL series in the Philippines, in a full 30+ minute episode. This series is so PINOY, from the scenes and locations, to humor, to the prod design/ music etc. Thank you @DreamscapePH for #OhMando.”
Sabi naman ni @AngTerTer, “Kokoy de Santos really said ‘I’m one of the best actors of my generation’ as if we don’t know that already. Also, #OhMandoEp1 is the strongest BL pilot to date. I said what I said.”
“Galing ni Kokoy De Santos. Equally as talented are the support too esp his friends – Vince and Leslie. Riot yong tatlong to. I can’t stop laughing with their lines and how they deliver it. And Alex Diaz, uggghhh sir, pwedeng fishball buddies din tayo?” pahayag ni @dar_winnnn.
Sa unang episode, na-in love at naging heartbroken sa unang pagkakataon si Mando (Koko) sa isang lalaki matapos niyang makilala ang matipuno at out na baklang basketball player na si Barry (Alex Diaz).
Talaga namang marami ang naka-relate sa karanasan ni Mando sa serye. Kabilang na rito ang YouTube reviewer na si Michael Carbon, na sinabing epektibo ang paggamit nito ng elemento ng fantasy at fairy tales.
“Nakahanap na naman ako ng BL series na talagang akong ako, na malapit sa marurupok na katulad natin… It shows a part of us na talaga namang nagfa-fantasize tayo. Pinakita ang vulnerability natin, marupok tayo. We tend to have fairy tales, gusto natin happy ending. Everything was just so on-point for me. Napakaganda ng dynamic ng stories,” paglalahad niya sa vlog niya.
“We appreciate this kind of series that’s so feel-good. Very light, natatawa ka na lang and then kinikilig ka. Maganda ang atake ni Dreamscape dito dahil may mix ng mature content, pero kinambyo nila sa overall. It’s enjoyable, entertaining, satisfying,” dagdag ni Michael.
Sa susunod na episode, susubukang mag-move on ni Mando matapos nitong malamang may boyfriend na si Barry at liligawan si Krisha (Barbie Imperial), isang magandang dalagang matagal nang may gusto sa kanya.
Available sa standard at premium subscribers ang bagong episodes ng “Oh, Mando” kada Huwebes, 9 PM sa iWant TFC app (iOs at Android) o sa iwanttfc.com. Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/iWantTFC o sundan ang @iwanttfc sa Twitter at Instagram, at mag-subscribe sa www.youtube.com/iWantTFC. Kung may mga katanungan naman, ipadala ang mga ito sa Facebook page ng iWant TFC o mag-e-mail sa [email protected].