in

Kapuso stars at news personalities, nanawagan para sa mga naapektuhan ng bagyo

Gamit ang social media, nanawagan ang iba’t ibang Kapuso stars at personalities para saklolohan ang mga kababayan natin na naaapektuhan ng Typhoon Ulysses. Katatapos lang ng hagupit ng nagdaang Typhoon Rolly kaya naman dobleng tulong ang kailangan ng maraming mga lugar ngayon.

Sa Twitter ay panay ang retweet at panawagan ni Gabbi Garcia para matulungan ang mga residenteng na-stranded at nangangailangang ma-rescue.

Habang si Raffy Tima, na napanood naming nagbabalita mula sa Bataan, umaasa namang marespondehan na agad at madala sa evacuation centers ang mga nasa high-risk area, “Hard to remove myself from my iPad, tons of messages asking for immediate rescue, forwarding it to concerned agencies. Hoping they can respond. Hope emergency units from areas not affected by #UlyssesPH can also help. Most messages needing rescue are from Marikina, Rizal, Bulacan.”

Nagbigay rin ng paalala si Atom Araullo sa social media bago tumama ang bagyo, “Hindi biro ang lakas ng hangin ng bagyong #UlyssesPH, ngunit lalong paghandaan ang ulan na ibubuhos nito. Mas mabagal at mas maraming tubig na dala ang bagyo kumpara sa #RollyPH, at waterlogged na rin (puno ng tubig) ang mga lugar na nauna nang sinalanta ng ibang bagyo kamakailan.”

Samantala, naghatid naman ng mensahe ng pag-asa si Ruru Madrid, “Sa aking mga kababayan, malalampasan din po natin ito! Manalig lamang tayo sa Ama!”

Sa mga gustong manatiling updated sa latest news tungkol sa Typhoon Ulysses, tumutok lang sa news programs sa parehong GMA-7 at GMA News TV, o makinig sa Super Radyo DZBB. Pwede ring bisitahin online ang GMA News Online at official social media accounts ng GMA News and Public Affairs, Super Radyo DZBB, GMA Regional TV, at ng disaster and emergency preparedness portal ng GMA Network na IMReady.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

GMA Kapuso Foundation, walang tigil ang Serbisyong Totoo

‘PBB’ Ex-Housemates, nagsanib-pwersa para sa mga nasalanta ng Bagyong Rolly