in

Bagong episode ng ‘Prima Donnas,’ tinutukan!

Pinag-usapan at talaga namang tinutukan ng viewers ang pagpapatuloy ng kuwento ng GMA Afternoon Prime series na ‘Prima Donnas’ sa bago nitong episode nitong Lunes.

Nawindang ang viewers na tila mas tumindi pa raw ang kasamaan ng mag-inang Kendra (Aiko Melendez) at Brianna (Elijah Alejo) sa fresh episode, “Mas lalo kang lumala? Nakapag recharge ata si Kendra kaya mas malupit pa ngayon!”

Ano nga ba ang isisiwalat ni Lilian (Katrina Halili) kina Mayi (Jillian Ward), Ella (Althea Ablan), at Lenlen (Sofia Pablo)?

‘Wag palampasin ang mga kapana-panabik na kaganapan sa fresh episodes ng ‘Prima Donnas’ sa GMA-7!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Kilig at katatawanan sa ‘Oh, Mando’ patok sa iWantTFC viewers, next episode inaabangan na

Cast ng ‘The Lost Recipe,’ naghahanda na sa lock-in taping