in

Mark Herras at Nicole Donesa, ipinasilip sa fans ang sonogram ng baby

Marami na ang nakaabang sa pagdating ng firstborn baby ng Kapuso couple na sina Mark Herras at Nicole Donesa. Kaya naman, laking tuwa ng lahat nang ibinahagi ng dalawa ang sonogram ni Baby Corky sa social media!

Sa recent vlog nina Mark at Nicole, ipinasilip nila sa viewers at fans ang naging experience ni Nicole sa kaniyang 4D and Congenital Ultrasound. Kuwento ng DOTS Ph actress, masaya sila na healthy ang kanilang baby, “4D is where we actually see his face and the congenital ultrasound is where we’ll scan and detect kung may mga early abnormalities. The doctor said na matangos ang ilong at mahaba ‘yung lips niya.”

Proud naman si Mark sa posibilidad na siya ang magiging kamukha ng anak. Excited na ang engaged couple sa baby boy nila pero sino kaya talaga ang magiging carbon copy nito?

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Abdul Raman, may makaka-e-date!

Korean food and culture, tampok ngayong Sabado sa ‘Sarap, ‘Di Ba?’